-- Advertisements --

Hindi maituturing na variant of concern ang IHU coronavirus variant na unang natuklasan sa France.

Sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na mula pa noong Nobyembre 2021 ay binabantayan na ito ng World Health Organization (WHO).

Dagdag pa nito na marami itong mutations pero wala umano itong immune evasion sa naunang variant na Delta at Omicron.

Ang IHU ay pangalan umano ng isang institute sa France.

Patuloy aniya nila itong babantayan pero hindi ito gaano nilang bibigyang ng atensiyon tulad ng Delta at Omicron coronavirus variant.