-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Fr. Michael Casinillo, ang chief exorcist ng Diocese of Butuan na iilan sa mga estudyante ng Lumbocan National High School sa Brgy. Lumbocan nitong lungsod ng Butuan ang nakaranas talaga ng demonic possession.

Ito’y matapos siyang mag-administer ng deliverance session, base na rin sa hiling ng mga guro matapos na ilang araw na umanong sunod-sunod na nagpapakita ng manifestation na sinaniban ng masamang espiritu ang nasabing mga estudyante na una nang inihayag ng school principal na dahil lamang sa heat exhaustion.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Fr. Casinillo nga ang kanyang assessment ay base na rin sa reaksyon ng mga estudyanteng kanilang binindesyunan ng holy water at pinahiran ng olive oil na kaagad namang bumalik sa kanilang normal na buhay.

Ngayong umaga ay isinagawa ang misa sa nasabing paaralan na sinusundan ng blessed sacrament at pag-administer ng deliverance at exorcism session sa ibang mga estudyanteng nabiktima din ng demonic possession.