-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga rescuers sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte, ng mga ka-anak ng 9 na mga tripolante ng LCT Cebu Great Ocean barge na nananatili pang missing hanggang sa ngayon.

Ito ay sa pagnanais na mabigyan na sila ng update sa status ng kanilang mga ka-anak na tatlong araw ng missing kasama ang ship captain na si Mario Palacio.

Nanawagan na rin sila na imbestigahan kung bakit nagdeklara ng abandon ship ang kapitan lalo na’t iilan sa mga narekober na bangkay at mga na-rescue ay walang suot na life jacket.

Mas lumakas ang kanilang loob na magreklamo matapos inihayag ng mga sea farers na hindi basta-bastang lulubog ang barko lalo na kung malapit lang ito sa baybayin dahil naka-take shelter lamang ito sa kasagsagan ng bagyo.