BUTUAN CITY – Nabahaan na ang iilang mga lugar sa lalawigan sa Agusan del Sur dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa kahapon hatid ng easterlies.
Sa bayan ng Prosperidad, nabahaan na ang La Caridad Elementary School kung kaya’t suspendido ang klase.
Napag-alamang tumaas na rin ang level ng tubig-baha sa Gibong River sa may Bahbah, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan kung kaya’t pinag-iingat ang lahat at pinapayuhang hindi tatawid sa tubig-baha upang maiwasan ang posibleng masamang pangyayari.
Una ng nagbabala ang state weather bureau na ang naturang lalawigan ay makakaranas ng maulap na papawirin at kalat-kalat agkidlat at pagkulog na may dalang mga pag-ulan dahil sa shearline na posibleng maghatid naman ng biglaang mga pagbaha ang landslides