-- Advertisements --

Pinangangambahang tataas pa ang numero ng casualties sa New Zealand kasunod ng pananalasa ng Bagyong Gabrielle.

Nasa siyam na ngayon ang patay kabilang ang dalawang-taong gulang na batang babae, isang volunteer firefighter, at pati na ang ama ng New Zealand professional rugby league footballer na si Issac Luke.

Sa ngayon, libu-libo pa na mga residente ang nasa areas na apektado ng baha at landslides at kailangan pa na i-kontak ng gobyerno.

Sa coastal city na Napier sa North Island at sa bayan ng Hastings sa southeast coast ng England, may inihandang pansamantala na mga morgue bilang “standard practice” para sa posibleng fatalities.

Ayon kay Bombo Tess Peeters, international correspondent sa Auckland, New Zealand, may mga lungsod at bayan pa na nawalan ng suplay ng kuryente at wala ring access sa malinis na tubig.

Nasa 10,000 ang estimated number ng na-displace na mga residente.

Mismo si Prime Minister Chris Hipkins ay sumang-ayon na ang Bagyong Gabrielle ang biggest natural disaster sa New Zealand sa loob ng iilang dekada.

Idineklara na rin ang national state of emergency na pangatlo pa lamang sa kasaysayan ng banwa.