-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Iilang mga pasahero na ang stranded sa mga daungan ng Surigao City matapos maglabas ng travel advisory ang Coast Guard Station Surigao del Norte kahapon na nagbabawal sa paglalayag sa karagatan dahil sa bagyong Kristine.

Ayon kay Elvin Dionaldo, isang ferry crew, dakong alas 11 ng kahapon ng umaga ng inilabas ang travel advisory matapos na isina-ilalim sa signal number 1 ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, at ang Siargao – Bucas Grande Group.

Sa ngayoy kanya-kanyang dekarte ang mga na-stranded na mga pasahero, kung saan ang iba’y nakikitulog muna sa kanilang mga kamag-anak, at ang iba nama’y sa mga motels.

Nakapagpa-abot na rin nga kakaunting tulong ang Local Government nga Surigao sa ilang mga nastranded na mga pasahero.