Plano ni Senator-elect Imee Marcos na mag-imbita ng mga Igorot para magsagawa ng isang ritwal sa silid na babakantehin ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Nabatid na iyon ang nabunot ni Marcos para maging opisina sa pag-upo nito bilang miyembro ng Senado.
“Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot namin dahil kailangang basbasan ang office ko dahil kay Sen. Trillanes yata ang nabunot,” wika ni Marcos.
Pahayag pa ng incoming senator, kung papayag daw si Trillanes ay makikisayaw pa sila sa mga Igorot para mabendisyunan.
Wala namang nakikitang problema ang dating sundalo sa balak ni Marcos na pagpapabasbas, kung iyon daw ang makakatulong sa trabaho ng bagong Senate member.
Pero kung ang pahayag aniya ay para ipakita sa publiko na masamang tao ang dating nanatili sa tanggapan ay maituturing daw iyon na malaking ka-epokritohan.
“If the religious ritual is meant to help her fulfill her mandate as a newly elected Senator, then that’s a good thing. But if she’s saying it to insinuate na masama akong tao, then sobrang ka ipokritohan naman yun, even for a Marcos,” pahayag naman ni Trillanes.