-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Maagang inalala ng mga journalists sa Baguio City at Benguet at ika-10 anibersaryo ng Maguindanao Massacre.

Nagsagawa ang National Union of Journalists in the Philippines Baguio Benguet Chapter ng isang rally at programa sa Malcolm Square, Baguio City nitong Huwebes bilang paggunita sa nasabing pangyayari.

Ayon kay Frank Cimatu mula sa nasabing grupo, nararapat lamang na alalahanin hindi lang mga media personalities kundi ng publiko ang nasabing massacre na itinuturing bilang pinaka-marahas na pag-atake sa mga journalist sa bansa.

Sinabi pa ni Cimatu na pinangangambahang mangyari rin sa Cordillera Administrative Region ang Maguindanao Massacre dahil sa mga liblib na lugar sa rehion at sa dami ng mga lugar na maaaring pagtaguan sa mga ebidensiya.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ng hustisya ang grupo para sa mga 58 na kataong nasawi sa brutal na pagpatay noong Nobyembre 23, 2009.