CENTRAL MINDANAO-Nagmula sa Pigcawayan Cotabato ang ika-100 million baby sa probinsya.
Masayang tinanggap ng mag-sawang Ariel Ambid at Ruth Ambid ang regalong handog mula sa Commission on Population (POPCOM) sa tanggapan ni Pigcawayan Cotabato Mayor Juanito Agustin.
Ayon sa Popcom ang anak ng mag-asawang Ambid na si Archie
na taga Barangay Malu-ao, ay isa sa itinalagang ika-100 Millionth Baby sa Probinsya ng Cotabato.
Matatandaan na walong taon na ang nakalipas mula nang maabot ng Pilipinas ang ika 100-milyong marka sa bilang ng populasyon, noong Hulyo 27, 2014.
Binigyan ng Popcom si Archie ng grocery items, school supplies at cash na nagkakahalagang anim na libong piso mula sa Regional at Provincial POPCOM kasama si Cotabato Ist District Board Member Sittie Eljorie Antao.
Maliban sa Popcom nagbigay din si Mayor Agustin ng bigas at health package para kay Archie.