May kabuuang 37 overseas Filipino worker (OFWs) na pinauwi ng gobyerno ng Pilipinas mula sa Israel ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa DMW, ang grupo ay binubuo ng 31 caregiver at anim na hotel workers.
Ito na ang ika-13 batch ng mga OFW mula sa Israel na nag-avail ng voluntary repatriation program ng gobyerno sa gitna ng patuloy na labanan sa pagitan ng Israel at Hamas militant.
Sinalubong ang mga OWFs ng DMW, kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Foreign Affairs (DFA), at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nakatanggap sila ng kabuuang P125,000 na tulong pinansyal, at capacity enhancement voucher mula sa TESDA, OWWA, at DSWD.
Gayundin ng “pasalubong” goodies at isang balde na puno ng “Noche Buena” items mula sa PCSO.
Makakatanggap din ang mga repatriate ng komprehensibong reintegration assistance at job facilitation services para sa iba pang oportunidad sa trabaho, dito man o sa ibang bansa, sa pamamagitan ng DMW at DOLE.