Nakatakdang ilunsad ng Department of Trade and Industry ang kanilang ika -17th na Negosyo Center sa Negros Oriental.
Ayon sa ahensya , mamamahagi sila ng aabot sa isang milyong halaga ng kits para sa mga naging biktima ng bagyong Odette.
Kasabay nga nito ang paglulunsad nila ng negosyo Center sa naturang lugar.
Paliwanag naman ni Department of Trade and Industry- Negros Oriental provincial director Nimfa Victucio , ang kanilang ginagawang hakbang ay upang ma suportahan ang mga micro, and medium enterprises sa ating bansa.
Sa kabuuan, aabot sa 126 na benepisyaryo ang makakatanggap ng P7,500 bawat isa na livelihood assistance sa ilalim ng DTI’s Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program upang maasistihan ang mga microenterprises na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.
Karamihan sa mga livelihood kits ay binubuo ng ” sari-sari” store kits.
Una ng nakapagbigay ang DTI- Negros Oriental noong Nobyembre ng nakaraang taon ng mahigit PHP 2.5 MILLION na halaga ng livelihood kits sa mga biktima ng bagong odette sa naturang probinsya.
Inihayag rin ni Victucio na ngayong taon ay nakatanggap ang kanilang ahensya ng pondo na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso bilang pondo sa pagpapatuloy ng kanilang programa.