-- Advertisements --

Ipinoste ni 2023 Finals MVP Nikola Jokic ang ika-18 triple-double niya ngayong season matapos patumbahin ng Denver Nuggets ang Orlando Magic.

Nagpasok si Jokic ng 20 points, 14 rebounds, at sampung assists sa panalo ng kaniyang koponan.

Hawak ng batikang sentro ang pinakamaraming triple-double ngayong season habang ang sumusunod sa kaniya ay si Lebron James, hawak ang walong triple-double sa edad na 40.

Samantala, sa panalo ng Nuggets ay gumawa rin ang bagitong forward ng koponan na si Christian Braun ng 20 points, 11 rebounds double-double.

Nagawa ng Nuggets na limitahan ang lahat ng mga player ng Magic sa below-20 score. Umabot lamang sa 16 points ang pinakamataas na individual score sa naturang koponan sa pamamagitan ng sentrong si Wendell Carter Jr. Umagaw rin si Carter Jr. ng 14 rebounds.

Nalimitahan lamang si Magic star Paolo Banchero sa sampung puntos sa loob ng 29 mins. na paglalaro.

Hawak ng Nuggets ang 51.3 overall shooting percentage sa naturang laban habang ginawaran din ito ng 31 free-throws. Mula sa 31 na libreng shot, 26 ang nagawa nilang maipasok.

Ginamit din ng Nuggets ang mga tower nito upang kumamada ng 52 points sa loob ng paint area.

Hindi naman umubra ang 14 steals na nagawa ng Magic sa kabuuan ng laban dahil na rin sa maalat na shots.

Tanging 38 shots kasi ang naipasok ng koponan mula sa 103 na kanilang pinakawalan.