Dumating na sa bansa ang ika -19 na batch ng OFWs mula sa Israel at Hezbollah sa Lebanon.
Pinangunahan ni Department of Migrant Workers Officer-In-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac ang pagsalubong sa mga Overseas Filipino Workers na umuwi ngayong araw.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na kinabibilangan ito ng 10 OFWs.
Ito ang mga OFWs na mas piniling magbalik ng bansa matapos maipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah.
Nagsimula ang iringan ng dalawang grupo matapos maki simpatya ang Hezbollah sa patuloy na pag-atake ng Israel sa Hamas.
Dumating ang sampung repatriated OFWs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng isang flight mula Doha, Qatar kaninang umaga.
Bukod kay Cacdac, sumalubong rin sa mga dumating Pinoy ang mga kinatawan mula sa DFA , DSWD, DOH at Technical Education and Skills Development Authority. (With reports from Bombo Victor Llantino)