Inihayag ni Atin Ito co-convenor Rafaela David na kanilang iiwasan na magkaroon ng engkwentro sa Chinese fishing vessesl para maiwasan ang anumang panibagong water cannon incident sa West Philippine Sea sa kanilang isasagawang ikalawang civilian mission sa West Philippine Sea simula bukas, Mayo 15.
Aniya, nasa 5 main commercial fishing vessels at 100 fishing boats ang sasama sa regatta sa loob ng exclusive economic zone ng PH at maglalagay ng mga boya na may nakasulat na West Philippine Sea, Atin ito para magsilbing symbolic markers.
Magdadala din ang convoy ng fuel subsidies at food packs sa mga mangingisda sa bisinidad ng Bajo de Masinloc.
Inaasahang magtatagal ang paglalayag ang civilian convoy ng hanggang 15 oras at inaasahang makakabalik sa maynila sa Biyernes, Mayo 17.
Samantala, magpapadala naman ang PCG ng 44-meter vessel bilang security escort sa ikalawang civilian mission sa Bajo de Masinloc sa WPS.