Pinagpaplanuhan na ng Philippine Air Force at Philippine Army ang panibagong inter-operability exercise(IOX) sa pagitan ng dalawa.
Ito ay kasunod ng naging matagumpay na IOX sa pagitan ng dalawang sangay na isinagawa noong Marso 7 – 11, noong nakalipas na taon.
Ayon kay Phil Army Spokesperson COl Xerxes Trinidad, kung maisasapinal na ang plano, umaasa silang lalo pang mapapahusay ang integration ng ground at air capabilities sa pagitan ng dalawang sangay, para sa mas epektibong joint operations sa hinaharap.
Sa unang isinagawang IOX, matatandaang isang libong mga sundalo mula sa dalawang sangay ang lumahok at nagsanay sa ibat ibang mga military operations, katulad ng free-fall, bundle drop, helicopter sniping, fast rope insertion-extraction system, air evacuation, at communications and electronics exercise
Batay sa inisyal na plano aniya, isasagawa ang ikalawang IOX sa area of operations ng 5th Infantry Division, Phil Army na nakabase sa Gamu, Isabela.