Isang ‘full scale exercise’ ang isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa 2nd quarter ng 2024.
Ito ay inaasahang dadaaluhan ito ng mga regional contingent o mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon.
Magsisilbing ceremonial venue ang Rescue Emergency Disaster Training Center sa Pasig City.
Ayon sa Office of Civil Defense, ang mga regional contingent ay naatasang magtayo ng mga alternate emergency operations centers para sa naturang exercise.
Sentro pa rin ng simulation ang Harmonized National Contingency Plan for Magnitude 7.2 Earthquake na pangunahing pokus ng mga isinasagawang NSED.
Patuloy namang hinihimok ang publiko na makibahagi sa isasagawang simulation bilang paghahanda sa mga pagyanig na posibleng mangyari anumang oras sa ibat ibang bahagi ng bansa.