-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Umabot sa 32,452 ang bilang ng mga turistang bumisita sa isla ng Boracay noong buwan ng Oktubre.

Batay sa tala ng Malay Tourism Office, sa naturang bilang, 22,251 dito ang nagmula sa National Capital Region habang ang 2,935 ay mula sa Calabarzon at 2,475 ang taga-Aklan.

Subalit mas mababa ang nasabing bilang kumpara sa tourist arrivals sa kaparehong period noong nakaraang taon na nasa 35,108.

Ito na ang ikalawang pinakamataas na tourist arrival na naitala sa isla ngayong may pandemya.

Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang pagbuhos ng mas marami pang turista sa holiday season lalo pa at niluwagan na ang mga COVID-19 restrictions sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, unti-unti nang binubuksan ang Boracay sa mga turistang fully vaccinated lalo na ang nagmula sa isla ng Panay kasama ang Guimaras, kung saan hindi na kailangan ang swab tests.