Muling magpupulong ang mga defense chief ng Pilipinas, Amerika, Japan at Australia sa Mayo 2 sa Hawaii.
Ito ay nakatuon sa pagpapalalim pa ng defense at security ties kasunod ng isinagawang maritime drills ng 4 na bansa sa West Philippine Sea sa gitna ng agresyon ng China sa disputed waters.
Uupuan ito nina Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro, US Secretary of Defense Lloyd Austin, Japan Minister of Defense Kihara Minoru at Australia Deputy Prime Minister Richard Marles para sa ikalawang trilateral ministerial defense meeting.
Matatandaan, kamakailan nagsagawa sina PBBM, US Pres. Joe Biden at Japanese PM Fumio Kishida ng makasaysayang trilateral meeting sa White House kung saan isinapormal ang military partnership ng 3 bansa sa gitna ng mga developments sa disputed sea.
Kung saan nagkasundo ang 3 lider ng pagtutulungan pa ng kani-kaniyang Coast Guards sa susunod na taon para mahasa ang interoperability at maisulong ang maritime security at safety.