ROXAS CITY – Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang 23-anyos na babae at isang locally stranded individual (LSI) mula sa Cavite at residente ng Barangay Jaena Norte, Jamindan, Capiz.
Ito ang kinumpirma ni Mayor Mac Arthur Valdemar ng Jamindan, Capiz nang ma-interview ng Bombo Radyo Roxas
Ang naturang pasyente ay nakaramdam ng sipon pagdating sa lalawig kaya dinala ito sa Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH) noong Hunyo 29.
Ayon kay Valdemar na nagpositibo sa COVID-19 ang hindi na pinangalanang LSI matapos na isinailalim ito sa Real Time-Polymerase Chain Reaction Test o RT-PCR test noong Hulyo 1 ngunit Hulyo 17, 2020 na dumating ang kanyang resulta.
Dumating ito noong Hunyo 26, 2020 sa lalawigan at agad na isinailalim sa 14 day quarantine.
Dagdag pa ni Valdemar na ang panibagong narekord na kaso ay ang close friend rin ng COVID-19 patient na una na nagpositibo sa virus at residente rin ng naturang bayan.
Nabatid na ito na ang ika-limang kaso ng naturang sakit sa bayan ng Jamindan at ika-20 naman sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.