BAGUIO CITY- Ipinagdiwang ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ang ika-24 na Police-Community Relations (PCR) Month sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.
Nagsilbing Guest of Honor and Speaker (GOHS) sa aktibidad si Benguet Governor Melchor Diclas.
May tema itong “Sambayanan, Mahalagang Kaakibat ng Kapulisan sa Pagtaguyod ng Mapayapa at Maunlad na Bayan”.
Highlights ng selebrasyon ang pagbibigay pugay sa mga outstanding PNP personnel, units at stakeholders ng pulisya.
Naibigay din ang Plaque of recognition kina PLTCOL Tessie Sarmiento mula Benguet Provincial Police; si PCPT Basilio Hopdayan Jr. ng Mt Province; si Dwight Sean Arukod; at si PSSgt. Jeannet Pastores.
Nakilala din ang Benguet PPO bilang Outstanding Police Provincial Office; Baguio City Police Office bilang Outstanding City Police Office; Station 5- Baguio City Police Office bilang Outstanding City Police Station at Lagangilang Municipal Police Station bilang Outstanding Municipal Police Station at naging National Awardee.
Naparangalan din ang mga stakeholders ng Cordillera PNP mula sa iba’t ibang bahagi ng rehion at nakatanggap din ng Certificate of Appreciation ang Selection Committee sa Best PCR Awards.
Ayon kay PROCOR Regional Director Pol. Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, indikasyon ang PCR Month na matibay ang koordinasyon ng kapulisan at ng mga mamamayan.
Ipinagmalaki din ni Governor Melchor Diclas ang lahat ng mga awardees at kinilala din niya ang PNP dahil sa patuloy nitong aksyon upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehion Cordillera.