-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Hindi muna matutuloy sa ngayon ang taunang selebrasyon ng Bodong Festival sa probinsya ng Kalinga dahil pa rin sa nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Naaprubahan sa naganap na pagpupulong ng Provincial Management Comittee ng nasabing lalawigan ang pagkansela ng ika-26 na founding Anniversary nito kasama na ang ikalimang anibersaryo ng Bodong Festival.

Napag-alamang magaganap ang isang thanksgiving mass sa February 14 para gunitain ang mga nasabing aktibidad.

Maalalang isa ang lalawigan ng Kalinga sa rehiyon ng Cordillera na may pinakamataas na naitatalang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Kamakailan lamang a naitala ang 108 bagong kaso ng COVID-19 kung saan pinakamaami sa lungsod ng Tabuk at bayan ng Balbalan.

Nasa 988 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Kalinga kung saan 340 dito ang aktibo, 647 ang mga nakarekober at dalawa ang pumanaw dahil sa naturang sakit.

Maaalala namang ang Bodong Festival ay naitaon din sa Foundation anniversary ng Kalinga kung saan dito makikita ang sikat na Awong Chi Gangsa o ang tinatawag na call for a thousand gongs a sumisimbolo sa kapayapaan sa buong lalawigan.