Naibulsa ni Pinay ju juitsu player Annie Ramirez ang ikatlong gintong medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Asian Games 2023.
Ito ay matapos niyang talunin ang pambato ng Kazakhstan na si Galina Duvanova.
Nagawa ni Ramirez na talunin si Duvanova sa pamamagitan ng mas mataas na puntos.
Maalalang kaninang umaga ay umusad si Ramirez sa finals ng women’s 57kg ju juitsu, matapos niyang talunin ang pambato ng UAE na si Shamsa Alameri.
Sa naturang laban, nanalo si Ramirez sa pamamagitan ng submission.
Sa kampanya ni Ramirez sa Asian Games 2023, naipakita niya ang dominanteng peformance.
Una niyang tinalo ang pambato ng Vietnam para sa Round of 16, at sinundan ng pambato ng Singapore para sa Quarterfinals.
Kahapon nang naipanalo rin ni Margarita ‘Meggie’ Ochoa ang isang gintong medalya para sa Women’s 48kg ju juitsu.
Habang hawak naman ni EJ Obiena ang unang gintong medalya ng Pilipinas.