-- Advertisements --

Maisasagawa ngayong araw ang ibat-ibang aktibidad dito sa lungsod ng Baguio sa paggunita nito sa ika-tatlum pu’t dalawang anibersaryo ng July 1990 killer earthquake.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Officer Louie Glenn Lardizabal, mamayang alas otso ngayong umaga, kasabay ng selebrasyon ng National Disaster Resilience Month, maipapatupad ang opening at launching ceremony na dadaluhan ng mga government agencies at regional offices ng rehiyon sa pangunguna nina Baguio City mayor Benjamin Magalong at Office of Civil Defense – Cordillera Reg’l. Director Albert Mogul,

Magiging Guests of Honor and Speakers sina Department of Social Welfare and Development Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Vice-Chair for Response Erwin Tulfo and Department of National Defense Undersecretary/OIC and NDRRMC chair Jose Faustino Jr.

Mga aktibidad ngayong araw sa Malcolm Square ay Blood letting; free legal consultation; libreng manicure, gupit at marami pang iba.

Dagdag pa ni Lardizabal na malaking aral ang iniwan ng killer quake na kumitil ng maraming buhay at sumira ng maraming kalsada at establishimento at ito rin ang nagbigay inspirasiyon sa kanya para marating niya ang kanyang posisiyon sa nasabing ahensiya.

Magugunita na noong Hulyo 16, 1990, pasado alas kuatro ng hapon, nangyari ang 7.7 magnitude na lindol sa Luzon na kinabibilangan ng rehiyon Cordillera na ikinasawi ng higit isang libo, limang daan na katao, libo-libong kabahayan at establishimento ang nasira at pagkasara ng mga pangunahing kalsada na papasok at palabas ng Lungsod.