-- Advertisements --
Naitala ang ika-33 kaso ng covid-19 o si IN-C33 sa probinsya ng Ilocos Norte.
Base sa inilabas na covid-19 update ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, ang pasyente ay lalaki at 32-anyos.
Nailahad na ito ay residente ng Brgy. Puttao sa bayan ng Solsona, frontliner na miembro ng Bureau of Fire Protection.
Kaugnay nito, asympyomatic si IN-C33 o walang naramramdamang sintomas ng covid-19 at walang travel history.
Sa ngayon ay naka isolate ang pasyente at kasalukuyang inaalam ng mga otoridad kung paano nakapitan ng virus ang miembro ng BFP.
Una ng inihayag ni FSupt. Jesus Sugui na isa si IN-C33 sa mga nagsusuplay ng tubig sa border checkpoint ng probinsya sa bayan ng Badoc at nakedestino sa Solsona Fire Station.