DAVAO CITY – Pormal nang binukasan kahapon ang ika-36th Kadayawan sa Davao Festival ngunit gaya sa nakaraang taon, magiging virtual o online lamang ang mga aktibidad sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.
Una nang nanawagan si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa mga Dabawenyo na makiisa sa pagdiriwang dahil makikita pa rin sa online ang ilang mga aktibidad na bahagi ng Kadayawan bawat taon.
Kabilang umano rito ay ang pagpapakita ng kultura at tradisyon sa 10 mga tribu sa lungsod na highlights sa kapiyestahan sa lungsod.
Kung maalala sa nakaraang taon, naging bahagi ng Kadayawan ang iba’t ibang mga tribal houses ng mga tribu sa lungsod na makikita sa loob ng Magsaysay Park nitong lungsod.
Highlight rin ng pagdiriwang ang tradisyunal na mga palaro ng mga lumad at pagkain ng iba’t ibang variety ng Durian.