Pormal nang binuksan ngayong araw ang ika-39 na Balikatan Exercises 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, sesentro ang naturang military exercises sa three main components na kinabibilangan ng Command and Control Exercises, Field Training Exercise, at Humanitarian Civic Assistance.
Ang mga ito ay gaganapin sa magkakahiwalay na lugar sa Pilipinas sa loob ng area of operations ng Northern Luzon Command, Western Command, at Southern Luzon Command.
Dito ay inaasahang magsasagawa capability development training ang mga puwersa ng Pilipinas at Estados Unidos na layuning mas paigtingin pa ang tactics, techniques, at procedures ng magkabilang hukbo para sa wide range military operations.
Mas palalakasin din ng Balikatan Exercises ang combined military modernization at capability development ng mga ito sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsasagawa ng Subject Matter expert exchanges.
Magugunita na una nang inihayag ng AFP na aabot sa 16,700 na kasundaluhan ang makikilahok sa Balikatan Exercises 2024 na kabibilangan ng 5,000 personnel mula sa Pilipinas, at 11,000 mula sa US military personnel.
Habang makikiisa din sa naturang military exercises ang nasa 150 tauhan ng Australian Defense Forces, at 100 French Navy personnel sa kauna-unahang pagkakataon.