KALIBO, Aklan—Inaalala ngayong araw ang ika-39 taon na kamatayan ni dating Antique governor Evelio Javier na may malaking kontribusyon sa kasaysayan ng bansa.
Idineklarang non-working holiday sa buong rehiyon ng Western Visayas at Isla ng Panay ang Evelio Javier Day upang bigyang halaga ang mga nagawa nito dahil isa siya sa mga itinuturing na bayani ng mga Antiqueño.
Kaugnay nito, inihayag ni Antique Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Mr. Broderick Gayona-Train na may isasagawang simpleng seremonya na sisimulan sa flag rasing ceremony, susundan ng pag-alay ng bulaklak sa kaniyang monumento at iba pang aktibidad kung saan, bawat taon itong ginaganap sa nasabing lalawigan.
Isinalarawan ni Train ang naging buhay ni Javier na kinabibilangan ng siya ang naging pinakabata na gobernador sa edad na 28-anyos at isa sa mga pulitiko na pinatay sa panahon ng Martial Law sa Pilipinas.
Nabatid na ang pagpatay kay Javier noong Pebrero 11, 1986 ay isa sa mga dahilan kung kaya’t naisulong ang People Power Revolution sa bansa.