Dumating na sa bansa kaninang hapon(Oct.30) ang ika-apat na batch ng mga OFW na nagmula sa Israel.
Ang pang-apat na batch ay binubuo ng 60 OFWs at dfalawang sanggol, na pawang apektado sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Ayon sa Department of Migrant Workers(DMW), 32 sa kanila ay mga hotel workers habang 28 ay nagtrabaho bilang mga caregivers sa naturang bansa.
Lumapag ang sinakyan nilang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport’s Terminal 3 (NAIA-T3) kaninang hapon, at agad naman silang sinalubong ng mga opisyal ng bansa, sa pangunguna ng DMW.
Nagbigay din ang naturang ahensya ng mga pagkain/food packs, care kits, at hygiene kits sa mga ito, kasamana na ang infant kits para sa dalawang sanggol.
Samantala, Umaabot na sa kabuuang 119 ang bilang ng mga OFWs na nakauwi dito sa Pilipinas simula nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas na nag-umpisa sa paglusob ng huli sa Gaza Strip, noong Oct7