Nakatakdang idaos ngayong araw ang ika-45 commencement exercises ng Philippine National Police Academy sa Camp General Mariano sa Castaneda sa Silang, Cavite.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakatakdang pangunahan pagtatapos ng PNPA layag-diwa class of 2024 na binubuo ng 233 na mga kadete.
Isa sa mga ito ay ang isang babaeng nagmula sa bayan ng Lian sa Batangas na nag-topnotcher sa kanilang klase na si Police Cadet Ma. Camille Cabasis ng PNPA layag-diwa class of 2024 ang tatanggap ng Presidential Kampilan Award.
Sabi ng PNPA, maituturing nang isang achiever si Cabasis bago pa man pumasok ng police academy dahil nagtapos itong cum laude sa kursong criminology sa Batangas State University.
Samantala, ayon kay Cadet Cabasis, bilang working student na nagtrabaho sa isang photo copy center noong kolehiyo, naranasan din niyang magtinda ng siopao sa kanilang eskwelahan para pandagdag sa mga gastusin.
Kasabay nito ay hinikayat ni Cabasis ang mga kababaihan na huwag sumuko at laging mangarap ng mataas.
Lagi aniyang isaisip ng bawat kababaihan na hindi lamang sila babae kundi babaeng may magagawa sa lipunan.