BAGUIO CITY – Ipinagmalaki ng bayan ng Sablan sa lalawigan ng Benguet ang matagumpay na pagdiriwang sa ika-limang Sablan Fruit Festival.
Natunghayan nitong Lunes ang iba’t-ibang prutas na ipinagmamalaki ng Sablan sa pamamagitan ng okasyon na may temang ”A bountiful Harvest”.
Kinilala ni Sablan Mayor Manuel Munar na malaking tulong ang fruit production sa pag-unlad ng kanilang bayan.
Hiniling nito ay tuloy-tuloy na pagsuporta ng mga residente sa fruit production ng bayan.
Gayunpaman, aminado ang alkalde na bumaba ang produsyon ng prutas ang kanilang bayan ngayong taon dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Kahapon ay naiparada ang mga mini-float kung saan nai-display ang iba’t-ibang prutas na produkto ng Sablan, gaya na lamang ng pinya, saging, rambutan, durian, bayabas, santol, at marami pang iba.