BUTUAN CITY- Ginanap ang isang Culmination Program sa pagdiriwang ng ika-500 years na expedisyon ni Magellan at ideklara ang unang misa na naganap sa Magallanes, Agusan del Norte.
Pinangunahan ito ni Mayor Cesar “Bubu” Cumba Jr., mga opisyal ng bayan at barangay pati na rin si Board Member Meriam Pagaran.
Dinaluhan din ito ni Provincial Administrator Gerry Joey Laurito bilang kinatawan ni Gob. Dale B. Corvera, pati na rin si Jimmy Beray bilang kinatawan ni Kongresswoman Angel Amante Matba at Department of Tourism Regional Director Nelia Arina.
Tumulong sa pagdiriwang ang mga Local Historians, mga tauhan ng DepEd, PNP, BFP, NGOs at iba`t ibang ahensya.
Sa pagdiriwang, ginawa ang isang re-enactment sa paglalakbay ni Magellan hanggang sa makarating ito sa Magallanes na ginawa ng mga tauhan ng Department of Education o DepEd at ng mga empleyado ng munisipyo.
Kasama sa kaganapan ang paggawa ng isang time capsule upang mapanatili ang mga imahinasyon ng naturang pagdiriwang.