-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Naitala nitong Huwebes ang isang karagdagang kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang pasyente at isang babae, 50-anyos at residente ng San Luis Village.
Ang pasyente ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVId-19.
Kasunod nito, naisailalim sa lockdown ang San Luis Village para sa isasagawang contact tracing, disinfection, at medical interventions.
Sa ngayon, aabot na sa 55 ng kaso ng COVID-19 sa siyudad ng Baguio, 44 ang gumaling na mula sa sakit at dalawa ang namatay na.