-- Advertisements --
image 60

Nalasap ng Memphis Grizzlies ang ika-anim na pagkatalo sa kamay ng Portland Trailblazers, matapos ang thrilling overtime game ngayong araw.

Nagtapos ito sa score na 115 – 113, pabor sa Blazers.

Sa tindi ng banggaan ng dalawang team, inabot sila ng overtime hanggang sa tuluyang nanaig ang Blazers, gamit ang dalawang puntos.

Sa opensa, kontrolado ng Memphis ang Paint area matapos magbuhos ng 64 points kontra sa 50 points ng Blazers.

Mas mataas din ang field goal% ng Memphis kumpara sa Blazers: 49 sa Grizz kontra 40.6% ng Portland.

Kapwa nag-attempt ang dalawang team ng tig-96 shots kung saan 47 ang nagawang maipasok ng memphis habang 39 lamang ang nagawa ng Blazers.

Gayonpaman, malayo ang naging agwat ng dalawang team sa free throws, dulot ng foul calls.

Sa Memphis, nabigyan lamang ito ng 13 shots at siyam lamang ang naipasok habang 36 shots ang iginawad sa Blazers. Mula sa 36 attempts, nagawa ng Blazers na ipasok ang hanggang 28 big points.