Nakatakda nang buksan ng Pilipinas at Estados Unidos sa darating na Oktubre 2, 2023 ang ika-anim na SAMASAMA Bilateral exercises ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa.
Ito ay nakatakdang ilunsad mismo sa Philippine Headquarters sa Maynila kung saan isasagawa ang pambungad na ehersisyo ng Philippine Navy at United States Navy.
Dito ay nakatakdang ipamalas ng dalawang hukbo ang kani-kanilang mga kakayahan kabilang sa pagsasagwa ng iba’t-ibang mga misyon.
Kabilang sa mga pagsasanay na dadaanan ng mga kalahok ay ang Subject matter expert exchanges kung saan ay makakasanay din ng PH at US navies ang mga hukbong pandagat na mula sa Japan, United Kingdom, Canada, France, at Australia.
Habang magsisilbi namang mga observer ang mga navies ng New Zealand at Indonesia.
Layunin ng mga magkasamang pagsasanay na ito ay ang mas mapahusay pa ang interoperability ng mga hukbong pandagat na magiging kalahok, gayundin ang pagpapaigting pa sa relasyon at samahan ng Pilipinas sa mga kaalyado pang mga bansa nito.