Hindi magkakaroon ng magarbong pagdiriwang ang Buckingham Palace sa ika-70 taon ng pagkakatalaga kay Queen Elizabeth II.
Ang 95-anyos kasi na si Elizabeth ay naging reyna ng Britanya at ilang mga bansa gaya ng Canada, Australia at New Zealand matapos ang pagpanaw ng amang si King George VI noong Pebrero 6, 1952.
Nasa bansang Kenya si Elizabeth noon ng pumanaw ang ama kung saan ipinamalita ng kaniyang asawang si Prince Philip ang pag-upo nito sa trono.
Ang 99-anyos na si Prince Philip ay pumanaw noong 2021.
Hindi sana itinakda na maging reyna si Elizabeth mula ng isinilang subalit dahil sa kaniyang tiyuhin na si Edward VIII ay umalis sa puwesto at pinili na makasama ang asawang American na si Wallis Simpson.
Isasagawa na lamang ang kasiyahan sa Britanya sa Hunyo kung saan doon ipagdirwan ang Platinum Jubille niya.