-- Advertisements --
Naging payak ang pagdiriwan ng ika-74 kaarawan ni King Charles III.
Nagkaroon ng ceremonial gun salutes na isinagawa sa London.
Tumugtog ng “Happy Birthday” song ang military band sa Changing of the Grand Guard ceremony sa labas ng Buckingham Palace.
Ito kasi ang unang pagkakataon na nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang monarch king ng maupo sa puwesto mahigit dalawang buwan.
Pinalitan ni King Charles III sa puwesto matapos na pumanaw ang ina na si Queen Elizabeth II.
Ang kaarawan ni King Charles III ay kasabay ng Remembrance Sunday na nagbibigay ng pagkilala sa mga sundalo ng Britanya na nasawi sa giyera sa Cenotaph sa London.