BUTUAN CITY – Binuksan i sa pamamagitan ng walk for peace na sinundan naman ng memorial ceremonies gaya ng floral offering sa mismong Surigao Strait na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng lungsod at mga foreign dignitaries sa pangunguna ni Australian Ambassador Steven J. Robinson na sakay ng BRP Malapascua ang ika-75 anibersaryo ng Battle of Surigao Strait.
Matatandaang nitong Huwebes ay emosyunal sinariwa ng mga buhay pang tripolante ng barkong HMAS Shropshire ang kaganapan sa isinagawang wreath-laying ceremony at pagsindi ng mga kandila para sa namatay na mga sundalong Hapon at sailors sa pangunguna ni Capt. Takeshi Ishida ngapanese Association of Cebu.
Dumalo din si Commander Fukuda, ang assistant defense attache ng Japan na syang unang naka-unipormeng sundalong Hapon na nakabalik sa Surigao City matapos ang 1945.
Kasabay sa pagsariwa ng giyerang may temang ’Immortalizing Heroism’, ay na-inagurahan din ng Surigao City Tourism Office ang BoSS memorial shrine at museum na syang highlight ng selerbasyon.
Magsisilbi ito ngayong tourism site na pinunduhan ng P20-milyon bilang pagkilala sa mga sundalong Pinoy, Amerikano, Australyano at mga Hapong namatay sa kasagsagan ng giyera.
Ang Battle of Surigao Strait ay isa sa pinakamalaking pagkatalo ng Imperial Japanese Navy, matapos tumaob ang dalawa nilang mga battleships at tatlong mga destroyers.