-- Advertisements --
hiroshima bombing 2

Nag-alay ng mataimtim na panalangin ang mamamayan ng Japan upang alalahanin ang libo-libong biktima sa nangyaring pagpapasabog sa syudad ng Hiroshima noong 1945.

Tinatayang 140,000 katao ang namatay sa isa sa itinuturing na pinaka-nakakatakot na pangyayari sa kasaysayan.

Sa kabila naman ng patuloy na pakikipaglaban ng Japan sa coronavirus pandemic ay hindi nagpapigil ang mamamayan nito na gunitain ang mahalagang kaganapan.

Aabot ng 800 katao ang nagtungo sa Hiroshima Peace Memorial Ceremony upang ipanalangin ang kaligtasan ng bawat isa, kasama na rito ang trahedya na naganap sa Lebanon.

Sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe na mananatiling matigas ang Japan sa kanilang desisyon na hindi sumali sa United Nations treaty dahil iisa lang umano ang layunin nito sa nuclear abolishment na nais ng Japan pero magkaiba ang kanilang hakbang.

Kung maaalala, Agosto 6, 1945 nang pasabugin ng isang US bomber sa Hiroshima ang bomba na gawa sa uranium. Dalawang araw matapos ito ay ikalawang nuclear weapon naman ang pinasabog sa syudad ng Nagasaki.