Nakatakdang dumating ngayong araw ang pinakabago o ang ikaw-8 batch ng mga overseas Filipino worker na nagbabalik mula sa Israel.
Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na ang ikawalong batch ay kinabibilangan ng walong hotel workers at 24 na caregivers na may isang sanggol.
Ayon sa DMW, kabilang ang pinakahuling grupo, mayroon nang 256 OFWs at siyam na bata ang nakauwi na sa bansa mula nang sumiklab ang Israel-Hamas conflict noong unang bahagi ng Oktubre.
Darating ang 32 returnees dakong alas-3:15 p.m.
Nauna nang iniulat ng DMW officer-in-charge Hans Cacdac na marami pang mga OFW ang gustong manatili sa kabila ng umiiral na tensyon sa Israel.
Sinabi niya na ang gobyerno ay nagbibigay ng pinansyal at lahat ng iba pang kinakailangang tulong sa mga umuuwi na OFW gayundin sa mga nananatiling nasa Israel.