-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pormal nang binuksan ang ika-86th Araw ng Dabaw ngayong araw, Marso 1, 2023.

Ito ang pinakaunang ‘face-to-face celebration’ ng nasabing aktibidad mula noong taong 2019 dahil sa Covid-19 pandemic. Opisyal itong binuksan sa pamamagitan ng pasasalamat o pambungad na misa sa San Pedro Cathedral at sinundan naman ng mga aktibidad sa Rizal Park.

Sa ngayon, ilang events o aktibidad na ang handa nang gaganapin katulad ng Araw ng Davao Music and Arts Festival na may 3D drone light show sa Davao City Coastal Road ngayong Marso 4 at 5; Araw ng Davao Artisan Food at Cacao Market ngayong Marso 2 at Datu Bago Awards sa Marso 8.

Samantala, gaganapin ngayong Marso 8 ang Parada Dabawenyo o civic parade at inaasahang dadalo sa nasabing event si Vice President Sara Duterte.