-- Advertisements --

Naibulsa ng Washington Wizards ang ika-anim nitong panalo ngayong season, matapos patumbahin ang Brooklyn Nets, 110, 104.

Sa pagkakataong ito, naging maganda ang kombinasyon ng dalawang forward na sina Kyle Kuzma at Deni Avdija na nanguna sa opensa ng Wizards. Gumawa ng 21 points 13 rebounds si Avdija habang 26 points 8 rebounds ang ambag ni Kuzma.

Nagpakita rin ng magandang performance ang bench na si Corey Kispert na gumawa ng 15 points sa loob lamang ng 17 minuto na paglalaro.

Para sa Nets, 19 points ang ambag ng ironman na si Mikal Bridges habang 11 points 12 rebounds ang ginawa ng sentrong si Nic Calxton.

Naging mahigpit ang depensa sa pagitan ng dalawang koponan kung saan kapwa nagbuhos ng tig-25 points ang mga ito sa unang kwarter.

Pagpasok ng ikalawang kwarter, lumamang ng isang puntos ang Wizards ngunit agad din namang binawi ng Nets sa ikatlong kwarter at lumamang ng dalawang puntos.

Nagpatuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay sa pagitan ng dalawa sa ika-apat na kwarter ngunit kinalaunan ay nagawa ng Wizards na umangat ng 5 points sa 4min-mark ng laro.

Nagawa ng Wizards na mamenten ang naturang kalamangan hanggang sa pagtatapos ng 4th quarter, 110 – 104

Naging pangunahing bentahe ng Wizards ang 3-point shots na gumawa ng 15/38 habang ito naman ang nagpahirap sa Nets na nakagawa lamang ng 9/28 3 pointers.

Ito na ang ika-17 pagkatalo ng Nets habang hawak ng Wizards ang 25 na pagkatalo.