-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naging mabunga ang isinagawang ika-apat na Barangayan Caravan sa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga sa Kabacan Cotabato.

Abot sa mahigit isang libong mga residente ang nakabenepisyo sa mga aktibidad at serbisyong dala-dala ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. at sa suporta na rin ng Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman.

Nagpasalamat naman si Brgy. Kayaga Captain Aica Bacana sa lokal na pamahalaan.

Aniya, hindi nagsasawang mag-abot ng serbisyo ang lokal na pamahalaan at patuloy nitong ipinapatupad ng LGU ang adhikain nilang tumulong sa publiko.

Asahan sa darating pang araw angpagsugod ng Lokal na pamahalaan sa mga Barangay ng Kabacan.