-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon ngayong season ay nagawa ang Golden State Warriors ang ika-apat na sunod na panalo matapos itumba ang Washington Wizards, 120 – 118.

Nagtulungan ang tatlong starter ng Warriors upang kumamada ng 72 points: 30 points mula kay Stephen Curry, 22 points kay Jonathan Kuminga habang 20 points ang nagawa ni Klay Thompson.

Gumawa rin ng double-double ang rookie na si Trayce Jackson-Davis, 10 pts 15 rebounds, habang naglalaro bilang bench.

Naging madali para sa Warriors na itumba ang Wizards kung saan sa pagtatapos ng 3rd quarter ay hawak na nito ang 18 big points na kalamangan, gamit ang magandang opensa ni NBA Superstar Stephen Curry.

Hindi na rin ibinabad ang mga starter sa 4th quarter ng naturang laro.

Ang naging laro sa pagitan ng Warriors at Wizards ay ang unang pagkakataon na makalaban ni Jordan Poole ang kanyang dating team bago siya na-trade sa Washington kapalit ni Chris Paul.

Nagpakitang gilas naman dating Warriors guard at kumamada ng 25 points sa naging pagkatalo ng Wizards.

Dahil sa panalo, balik na sa .500 ang GSW, 14 – 14. habang ang pagkatalo ng Wizards ay ang ika-23 na nitong nalasap ngayong season, sa loob ng 28 games na pinagdaanan ng koponan.