-- Advertisements --

Naging matagumpay ang ika-7 Philippine Navy – Vietnam People’s Navy Personnel Interaction na isinagawa sa Southwest Cay (Pugad Island) sa WPS.

Ayon sa Phil Navy, dinaluhan ito ng Phil Navy Fleet-Marine contingent na pinangunahan ni Deputy Commander for Marine Operations, Naval Forces West, Colonel Enstein B Calaoa Jr PN(M)(GSC) at Vietnam People’s Navy contingent na pinangunahan ni Naval Region 4 Deputy Commander, Senior Captain Ngo Dinh Xuyen.

Ilan sa mga aktibidad na kalakip nito ay ang regional maritime security updates, Staff-to-Staff talk, cooperation sa pagitan ng dalawang navy para sa mga rescue operations, atbpa.

Upang lalo pang mapagtibay ang relasyon ng dalawang navy ay nagkaroon din ng sports competition sa pagitan ng mga staff katulad ng football, tug-of-war, at sack race.

Nagkasundo rin ang dalawang navy na magsagawa ng iba pang cooperation sa mga susunod pang taon.

Ayon pa sa Phil Navy, ang regular na Personnel Interaction sa pagitan ng dalawang navy ay tiyak na magpapalakas sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.