VIGAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang New Normal Blood Letting Activity sa tatlong barangay sa bayan ng Narvacan.
Iba’t-ibang organisasyon ang lumahok ngayong araw na kinabibilangan ng AFP, PNP, BFP, Punong Barangay, Konsehal at Tanod at mga kabataan na excited na makapagdonate ng dugo.
Kabuuang 132 successful blood donors mula sa Brgy.Cagayungan, Nanguneg at Sucoc ang naidagdag sa bilang ng mga nakapadonate na sa Dugong Bombo 2020.
Inaasahang hindi lang sa araw na ito maisasagawa ang blood letting activity sa nasabing bayan dahil ang ikalawang batch ay isasagawa sa darating na October 30.
Sa ngayon mayroon ng 879 na kabuuang bilang ng mga successful blood donors sa pitong bayan sa lalawigan na pinuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020