-- Advertisements --
Heat Spurs Basketball 1 1

Muling dumanas ng pagkatalo ang San Antonio Spurs sa kamay ng Miami Heat sa kanilang banggaan na nagtapos sa score na 118 – 113.

Nanguna si Bam Adebayo sa naging panalo ng Miami, gamit ang 24 pts 11 rebs na double double, habang 26 points naman ang ibinuhos ng sharpshooter na si Duncan Robinsoon.

Nalimitahan naman sa 19 points si Jimmy Butler, kasama ang anim na rebounds.

Tatlong bench players din ng Heat ang nag-ambag ng double digit points sa pangunguna ni Kevin Love na nagbuhos ng 12 points sa loob lamang ng 14 mins na kanyang paglalaro.

Hindi naman umubra ang double-double performance ng dalawang bagitong players ng Spurs: 20pts 12 rebs ang ipinasok ni Keldon Johnson habang 18 points 11 rebounds ang ambag ni Victor Wembanyama.

Bagaman kontrolado ng Spurs ang 3-pt lane kung saan nagbuhos ito ng 19 3-points sa kabuuan ng game, naging malaking balakid sa naturang koponan ang maraming team fouls.

Kumamada kasi ang Spurs ng 21 fouls na naging daan para mabigyan ang Miami ng 30 free throws.

Sa 30 free throws na ito, 28 ang nagawa nilang maipasok, habang sampu lamang ang naging kasagutan ng San Antonio.

Hawak ng Spurs ang tatlong panalo at pitong pagkatalo habang ang Miami ay mayroon nang 6 na panalo at apat na pagkatalo.