Ipinadala na ng India ang pangalawa mula sa ikatlong batch ng BrahMos cruise missiles sa Pilipinas.
Ayon sa report mula sa local newspaper sa India, hindi tulad ng naunang battery na ipinadala sakay ng Indian Air force transport aircraft, ipinadala ang ikalawang missiles lulan ng barko.
Ang tatlong BhrahMos missile batteries mula India ay alinsunod sa P18.9 billion na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indian-Russian joint venture na BrahMos Aerospace private Ltd.
Ang pagpapadala naman ng ikalawang BrahMos missiles ay makalipas ang isang taon mula nang makumpleto ang delivery ng unang batch ng naturang missiles. Dumating ang unang BrahMos sa PH noong Abril 2024.
Kayat ang Pilipinas ang ikatlong bansa sa Southeast Asia na nagkaroon ng itinuturing na pinakamabilis na supersonic antiship missile system, kasunod ng Indonesia at Vietnam.
Matatandaan, sa paglagda ng kontrata noong Enero 2022, sinabi ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana na magbibigay ang BrahMos missiles ng deterrence capability sa PH laban sa anumang pagtatangkang sirain ang ating soberaniya lalo na sa West Philippine Sea.
Ang BrahMos medium-range supersonic missiles na kayang umabot sa 290 kilometers hanggang sa 400 km ay maaaring ilunsad mula sa submarines, mga barko, eroplano o land platforms. Ito ay may bilis na Mach 2.8 o triple na mas mabilis kesa sa speed ng tunog na 3457.44 km/hr.