Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang ikalawang serye ng bidding sa susunod na taon para sa full automation ng 2025 elections. Ito ay nakatakda sa January 4, 2024.
Ito ay kasunod ng idineklarang failure of elections sa nauna nitong isinagawang bidding nitong nakaraang linggo. Sa naturang bidding, iisang kumpanya ang sumali.
Ayon sa tagapagsalita ng COMELEC na si Atty John Rex Laudiangco, maaari muling makisali ang nag-iisang bidder nitong nakalipas na linggo, kasama ang dalawang iba pa na una nang nagpakita ng interes na sumali.
Maalalang bago nito ay naglabas ang COMELEC ng desisyon na i-disqualify ang Smartmatic sa pagsali sa bidding dahil sa ilang mga isyu, dahil sa umanoy isyu ng panunuhol noong nakalipas na 2016 Presidential Elections.
Gayunpaman, humirit ang Smartmatic ng panibagong tyansa sa Korte Suprema.
Pero ayon kay Laudiangco, kahit na makakuha pa ang Smartmatic ng temporary restraining order sa Korte Suprema, hindi pa rin tatanggapin ng komisyon ang kanilang mga bidding proposal sa muli nitong pag-usad sa buwan ng Enero.
– GENESIS RACHO