Nakatakdang ikasa ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos ang ikalawang iteration ng Cope Thunder air exercises sa darating na Hunyo 17 hanggang Hunyo 28, 2024.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, sa pagsasanay na ito ay inaasahan ang malaking bilang ng deployment ng mga tauhan ng kanilang hukbo maging ng kanilang aircraft at iba pang related equipments.
Aniya, ang air military drills na ito ay bahagi ng paghahanda ng kanilang hukbo para sa kauna-unahang partisipasyon ng Royal Australian Air Force “Pitch Black” exercises Kung saan nakatakdang aktwal na lumahok ang mga sasakyang panghimpapawid ng PAF.
Samantala, ang “Pitch Black” exercise naman ay nakatakdang isagawa sa Hulyo 12 hanggang Agosto 2, 2024 na lalahukan naman ng mga tauhan at aircraft ng mga Hukbong Panghimpapawid ng iba’t-ibang mga bansa.