-- Advertisements --

COTABATO CITY — Magkakatuwang na inilunsad ng International Labour Organization (ILO), Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 12 and Mainland BARMM at Japan Government ang pagtatayo ng ikalawang DTC o Digital Transformation Centre sa Lungsod ng Cotabato kahapon, Mayo 30.

Ang DTC o ang Digital Transformation Centre na may layuning makatulong at makapagtaguyod ng digitalization and access trainings sa mga MSME’s o Micro, Small and Medium Enterprises.

Layunin din ng DTC na ito na malabanan ang tinatawag na digital divide at matugunan ang kakulangan sa digital infrastracture na nagpapahirap sa mga munting negosyo na makapasok sa mas malaking merkado.

Naging patotoo din ang naging COVID 19 pandemic sa pangangailangan ng imprastrakturang digital upang di mabalam ang mga negosyo at komersyo.

Magiging susi din ang DTC upang magkaroon ng tinatawag na access to digital resources and trainings ang mga lokal na negosyo at upang magkaroon ng pagusbong pa ng maraming trabaho sa rehiyon.

Ang naturang proyekto, pinondohan ng pamahalaang gobyerno ng Japan sa ilalim ng Bringing Back Jobs Safely project ng ILO.

Pinunto din ng Japan Embassy ang kahalagahan ng digitalization sa bansa lalo na sa mga maliit na kabuhayan, lalo na at pabangon pa lamang ang ekonomiya sa naranasang pandemiya sa loob ng ilang taon.

Ikinararangal din ng bansang Japan na maging parte o katuwang sa ganitong proyekto sa ating bansa.